A Travellerspoint blog

Not Even The CareBears Care...

sunny

holdap_.jpg

There I was, minding my own business, on my way to work, at around 5pm (yes, my shift is at 8pm), walking near the firestation around the corner, when lo and behold, this small guy comes up to me and walks beside me.

Akala ko naman type lang niya ako or something. Yun pala, may hawak siyang parang maliit na screwdriver/knife. He poked me sa tagiliran ko.

Ang unang pumasok sa isip ko: Sheet! Ganito pala ang feeling ng maholdap!

"Akina lahat ng gamit mo!" he squeaked.

I was extremely confused by this man. You see, he was so small (compared to me, of course). Around 5'3, maybe. He even looked mildly cuddly. Para lang siyang carebear. Carebear na madugyot at may hawak na panaksak. Ang lakas ng loob ng mokong na to na holdapin ang isang higanteng tulad ko!

Na-imagine ko tuloy, paano kung nireport ko sa police to?

"Ano po ang itsura ng salarin?" the big-bellied policeman would gruffly ask me.

Whilst wiping tears from my soulful eyes, I would whisper, "Sniff, mukha po siyang carebear na madumi."

Hay. Baka i-salvage ako ng pulisya for execcesive effeminacy.

So, anyway, back to my predicament.

All I could reply to the holdaper was "Ha?"

"Akina wallet mo tsaka bag!" he squeaked again.

Eh medyo mainit na ang ulo ko noon. Kasi naman, andami ko kayang dala. May dala akong food for my team kasi may potluck kami. Tapos may ice cream pa, na natutunaw na sa init.

So ang sinabi ko sa hinayupak na gagong yun, "Nagmamadali ako!" and walked away.

Sumunod siya and poked me again with that knife na parang ballpen lang. Baka matetano pa ako.

Ang nakakainis, may mga tricycle drivers na nakatingin sa amin pero walang ginagawa.

Na-bad trip ako lalo.

Tinulak ko si gago. Sumabit yung knife niya sa polo ko tapos medyo nasira ito. Pero di naman ako nasugatan.

Lumagapak sa kalsada si Evil Carebear tapos ako naman, nagmamadaling naglakad palayo.

Di siya sumunod.

Mapapatawad ko pa si Evil Carebear eh. Pasko kasi. Baka wala siyang pambili ng iPod (ako rin naman eh), kaya siya nangholdap.

Pero, what I can't forgive are those manhid na tricycle drivers na di man lang tumulong sa akin.

Sana maholdap sila ni Evil Carebear.

carebear.jpg

Posted by callboi 01:38 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

wala nKo mgwa.. nBsa Ko nA aTa lHet Nan poSt mO..

by PaLaBoi

Sino si PaLaBoi???

by callboi

wawa naman si devil care bear..walang nakuha..joke..sana pinakain mo nalang.

by jaga611986

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint