Si Lola Castro at ang aking Ocean of Fury...
04.02.2010
Nasa Cabanatuan na naman ako.
Medyo naguguluhan na ako sa office eh.
Naranasan niyo na ba yung feeling na parang ayaw niyo makita lahat ng mga kakilala niyo kaya aalis na lang kayo for a few days? Yung lalayo kayo ng sobrang layo para lang matahimik na ang utak niyo?
Yun ang nararamdaman ko for the past few weeks eh. Lagi na lang mainitin ang ulo ko. I feel like I have an "ocean of fury", katulad nung meron si Catherine Zeta Jones sa "The Rebound".
Kaya ayan, sumama muna ako kay Mabentang Renz para makapag-soul searching kuno sa probinsiya.

Okay dito sa probinsiya, tahimik, presko, alang traffic, at ang sarap matulog.
Wala nga kaming ginawa kundi matulog, kumain, manood ng dvd, mag-surf, matulog, at kumain ulit.
Dinaig ako ni Mabentang Renz sa pagtulog.

Kung matulog siya, halos ten hours straight. Pag gising niya, magang-maga ang mukha niya, parang bibingka.
For three days, ganyan lang ang ginagawa namin. Para akong nalow-batt sa opisina at ngayon lang uli nakapag-charge.

May kubo sa likod ng bahay nila kaso natatakot akong pasukin. Baka magiba sa bigat ko. Remember naman yung nangyari sa monobloc chair ni Baler, di ba?
Ang madalas kong katambay at kahuntahan dito eh si Lola Castro.
Cool siya.

Eto kasing si Mabentang Renz, since laging tulog, nakakalimutang pakainin ang bisita niya.
Kaya si Lola Castro ang nag-aasikaso sa akin.
Nung isang umaga, nakita niya akong nagsusurf. Ang sabi niya sa akin, "Gising na ba si Wewe?"
Si Wewe si Mabentang Renz. "Tulog pa po, Lola," sagot ko.
"Ay naku ang batang yan, kaya tumataba eh dahil tulog ng tulog," sabi niya.
Tapos tumingin siya sa akin, "Mahilig ka rin siguro matulog ano?"
Natawa na lang ako.
"Kumain ka na at wag mo na intayin si Wewe," sabi ni Lola Castro habang naghahain sa lamesa.
Napatingin ako sa nakahain.

"Lola, ano po ito?" ang magalang kong tanong.
"Sinigang na tupa," sagot niya, habang sinasandukan ako ng kanin na may tutong. I love tutong.
"Sinigang na... tupa?" tanong ko.
"Oo," sabay sandok ng ulam sa pinggan ko, pagtingin ko, may buntot pa yata na kasama.
In furnace, masarap ang tupa. Tupang-tupa lang ang lasa.
The next day, longganisa naman ang almusal. Do you guys know na fave ko ang longga? As in. Pag nakita ko siya sa kahit na anong menu, siya lang ang o-orderin ko.
Anyway, sabi ni Lola Castro, espesyal daw ang longganisang inihain niya.

"Ganyang-ganyan din ang longganisang in-order ni Vilma Santos dito sa bayan namin," proud niyang sabi sa akin.
As usual, kaming dalawa lang ni Lola Castro ang nasa lamesa, tulog pa rin si Mabentang Renz.
Ang sarap ng longga ni Lola! As in!
The best talaga dito sa probinsiya.
Ayoko nang bumalik sa Makati:

Feeling ko, ang Ocean of Fury sa loob ko, andito pa rin. Nanahimik lang ng lumayo ako. Pero pagbalik ko bukas, ewan ko na lang. I'm actually worried about going back to work.
I think I need a longer vacation. Na-mi-miss ko na agad si Lola Castro at ang kaniyang showbiz longganisa at tupang sinigang.
Posted by callboi 8:49 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (16)





































